read.cash Log in
x@xerexxaviera more from that month

Gising, mga lalaking kapatid! Gising, mga babaeng kapatid! Hindi maaantala ang Aking araw; ang oras ay buhay, at ang samantalahin ang panahon ay nakapagliligtas ng buhay! Hindi na malayo ang oras! Kung kumukuha kayo ng pagsusulit para makapasok sa kolehiyo at hindi makapasa, maaaring sumubok uli at magkumahog para sa pagsusulit. Gayunman, hindi magkakaroon ng ganoong pagkaantala ang Aking araw. Tandaan! Tandaan! Inuudyukan Ko kayo sa pamamagitan ng mabubuting salitang ito. Inilaladlad ang katapusan ng mundo sa harap ng mismong mga mata ninyo, matuling nagsisilapit ang malalaking sakuna; mahalaga ba ang buhay ninyo o mahalaga ang inyong pagtulog, pagkain, pag-inom, at kasuotan? Dumating na ang oras para timbangin ninyo ang mga bagay na ito. Huwag maging mapagduda pa at huwag umiwas sa pagiging sigurado! 《Kabanata 30》

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.