HUWAG MO SANAYIN NA PALAGI KA NA LANG WALANG LABEL. Nakakaumay kaya na parang kayo pero parang lang. Uy, mahalaga ka. Hindi pwedeng palagi ka na lang walang label. Huwag ka pumasok sa pag-ibig na laro-laro lang dahil hindi ka na bata, malawak na ang pag-iisip mo kaya mag-isip ka nang tama. Huwag kang patanga-tanga. Hindi mo deserve 'yung relasyong takot sa commitment. 'Di pwedeng kuntento ka na sa pagmamahal na 'di kayang panindigan. Hindi 'to tagu-taguan kaya 'wag mo hayaang itago ka na lang. Buti pa nga 'yung sa commercial, may check the label tapos kayo walang label. Alam mo, need mo ng label para ma-secure mo na totoo ang pagmamahal niya sa 'yo. Pero hindi lahat, kasi kahit may label, naghihiwalay. Uulitin ko, mahalaga ka. Huwag mo tanggapin 'yung pagmamahal lalo na kung 'di nararapat sa 'yo. Mas may deserve ka, hindi 'yung pumapayag ka na lang maging jowa-jowaan. You deserve true love with a label. Label muna bago landi. . . Sana matagpuan mo na ang tamang tao para sa 'yo. In short, AKO. π β #Giveaways
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet