read.cash Log in
x@xerexxaviera more from that month

Ganito kasi ang kwento ng isang matinong demokrasya. May Mamamayan at may Gobyerno. Ang Gobyerno laging naniningil sa Mamamayan: magbayad kayo ng buwis at sumunod kayo sa batas. Ang Mamamayan din laging naniningil sa Gobyerno: protektahan ninyo ang aming karapatan at paunlarin ang buhay. Yan ang "deal" (social contract) between Citizens and Government. Kaya lang, ang tingin ng maraming botanteng Pilipino sa sarili nila ay hindi Citizens - kundi fans and supporters. Kaya hindi sila maniningil sa kanilang Government. Instead, dedepensahan nila ang kanilang Gobyerno kahit ano pang kabulastugan ang gagawin nito. Palagay ko, pag umabot ka na ng 20 years old at hindi mo pa naiintindihan ang equation na yan, hanggang mamatay ka, mananatili ka na lang fan and supporter. Sayang ang effort na magpaliwanag ng citizenship and human rights sa matatanda. Hayaan na natin sila kung saan sila masaya at huwag nang aksayahin ang hininga. Ang mahalaga ay habang maaga, malalaman na ng mga bata na sila pala ay Mamamayan. At bilang mga Mamamayan, mayron silang mga Karapatan na dapat palagi nilang sinisingil na itaguyod at protektahan ng kahit sino pang naluklok sa kapangyarihan. At yan ay mahalagang bahagi ng human rights education na ating sinasabi. #NoiseCash

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.