read.cash Log in
x@xerexxaviera more from that month

CHOOSE "SANA OIL" IN THIS WORLD FULL OF "CHANGE OIL". Piliin mo na lang sana mag-sana all kaysa mag-change oil ka pa. Makuntento ka na lang na mag-isa. Hindi pwedeng gusto mo ring makiisa sa pagsasama ng iba. Hindi 'yan group activity, huwag ka makisali. Alamin mo ang worth mo, huwag kang kerida. Kung alam mong may mahal na 'yung tao, huwag kang mapanukso. Hindi ka ahas sa lovestory ni Eba at Adan. Masarap magmahal lalo na kung 'yung mamahalin mo walang minamahal. Less isyu, less karma. Mapayapa na ang isip mo, secure pa 'yang puso mo. Hindi mo deserve na maging kabet. Huwag kang makisalo sa pagkain ng iba—nakakadiri, nakakasuka. 'Di pwedeng kontrabida ka na lang lagi sa kwento ng iba. May tao namang nakalaan para sa 'yo, huwag mo lang pangunahan. Pigil muna, 'wag atat. May gamot sa pangangati, huwag idaan sa panlalandi. Basta tandaan mo, hindi mo deserve maging kabet, nararapat sa 'yo 'yung pag-ibig na hindi nakikihati. . . Dito ka sa akin, single ako. 🙄 — #Giveaways

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.