UMIWAS KA MUNA SA MENTAL BREAKDOWNS. Warak na nga 'yang puso mo tapos kakawawain mo pa 'yang utak mo. Please, huwag mong i-salvage ang iyong sarili. Huwag ka masyadong makipagkaibigan kay Kalungkutan, baka maging close kayo't 'di ka na niya bitawan. Maging positibo sana ang iyong pananaw at piliin maging masaya sa araw-araw. Mahirap man pero sana'y iyong subukan dahil kung hindi, baka iyong pagsisihan. Alam kong naiisip mo nang sumuko, pero huwag mong gagawin. Kung pagod ka na, ika'y magpahinga. May pag-asa pa. Kaya mo pa. Kailangan mo lang palayain sa isip mo ang kawalan ng tiwala at sa sarili'y maniwala. Ang iyong bawat paghinga ay simbolo ng pag-asa. Walang forever. Lilipas din ang mga problema. Lungkot mo'y mawawala. Malalagpasan mo ang iyong mga pinagdadaanan. At 'yung anxiety na bumabagabag sa iyo, iiwan ka rin niyan. Hindi 'yan nananatili kaya manatili ka lang, 'wag kang mawawala. Mahirap kalaban ang utak kaya 'wag mo labanan, maguguluhan ka lang. Kalmahan mo lang. You deserve peace of mind, not mental breakdowns. Kalma. Easy ka lang. . . Labyu 🥰 #Giveaways
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet