read.cash Log in
@xeira

Awit 9:9-10 Ikaw,o Yahweh,Ang tagapagtanggol ng api-apihan.Sa gitna ng gulo at mga panganib ay kutang matibay.Lubos ang tiwala ng kumikilala sa iyong pangalan.sapagkat wala pang dumulog sa yo na iyong tinanggihan. Sa ating panahon ngayon ay tila napakahirap ng mamuhay,lahat ng bagay ay mahal,maraming mga bayarin at mga alalahanin na para bang gusto mo ng sumuko subalit mapalad tayo dahil mayroon tayong Dios na laging nagmamalasakit sa atin at malalapitan.Siya Ang nakakaunawa sa lahat ng ating mga kahinaan at sa lahat ng humihingi ng tulong sa kanya ay di niya pinababayaan. Mga kapatid anumang mga pagsubok na mayroon tayo, magtiwala tayo sa kanya at umasa na kanyang tutulungan.laging lumapit sa Dios at laging manalangin. Pagpalain tayo ng Panginoon.magandang umaga sa inyong lahat.manalangin po Tayo.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.