read.cash Log in
@xeira

Goodmorning kanoise😊😊 “Ang buhay at kamatayan ay sa dila nakasalalay. Makikinabang ng bunga nito ang dito ay nagmamahal.” KAWIKAAN 18:21 Mensahe: Ang akala natin ang mangmang ay yaong hindi naka pag-aral, ngunit mangmang din ang taong nagmamalaki at ayaw magpaturo. Sa kabilang banda, matalino naman ang taong laging gustong matuto. Hindi lang mahalaga kung anong klaseng tao ka. Mahalaga rin ang salitang lumalabas sa iyong bibig. Masarap pakinggan ang taong matalino, marami kang matututunan sa kanya tungkol sa buhay. Nakakapagpasaya ang balitang hatid nya. Ngunit masakit sa pandinig ang lumalabas sa bibig ng mangmang. Sa halip na makabuti sa nakikinig, nakakasama ng loob at nakakasira pa ng pagsasamahan. Umiwas tayo sa mga taong walang alam gawin kundi pagusapan ang buhay ng iba. Magingat din tayo sa mga taong sinungaling. Hindi sila makakatulong sa atin. Let us pray 🙏 Panginoon, tulungan mo po akong maging matalino sa pananalita at pamumuhay. Maging kalugod lugod nawa sa iyo ang aking buhay at maging mabuting halimbawa di ako sa iba.

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.