Kawikaan 26:20-21 v20: NAMAMATAY ANG APOY KUNG UBOS NA ANG KAHOY, NATITIGIL ANG AWAY PAG WALANG NANUNULSOL. Sabi ng banal na aklat kapag ubos na ang kahoy tumitigil na ang away, tunay nga na kapag tupok na Ang kahoy wala ng apoy, mapayapa na. Kaya dapat wag nating palakihin pa ang mga salita na walang maidudulot sa ating kabutihan. v21: KUNG ANG BAGAY NAG DIDIKIT DAHIL SA IHIP NG HANGIN AT NAGLILIYAB ANG APOY KUNG MARAMING GATONG, PATULOY ANG LABU LABO KUNG MARAMING MAPANGGULO" Sinasabi na kapag ang isang usapin ay naihipang ulit ng hangin ay patuloy ulit mag liliyab, dahil sa mga taong hindi tumitigil sa pag gatong o pag sulsol sa kapwa. Kaya bilang mga kapatid sa pananampalataya dapat hindi tayo maging taga sulsol sa ating kapwa, bagkus maging tagapamagitan tayo at wag tayo ang gumatong pa sa ika-lalaki ng gulo dahil hindi ito nakalulugod sa ating Diyos. Nawa wag tayong maging dahilan ng paglakas ng apoy. Magandang Umaga po sa ating lahat. God bless us!
4 comments
amen... Good morning be.
Goodmorning din te😊😊
Mas piliin natin huwag gumawa ng gulo o away para sa mas payapang buhay.
True sis yung iba kc tagasulsol e