Blessed sunday noisemate😊 Jeremias 5:21 Makinig kayo, mga hangal; may mga mata kayo ngunit hindi naman makakita, may mga tainga ngunit hindi naman makarinig. Beyond seeing and hearing mahalaga ito sa buhay natin sa kasalukuyan dahil sa mga sumusunod: Hindi lahat ng nakikita ng mata at hindi lahat ng naririnig ng tainga ay maaaring maunawaan ng tao sa paraang gusto niyang unawain. Dahil binulag na ng sanlibutang ito ang kanyang mga mata sa katotohanan, ang kanyang Pandinig ay nahirati na sa kasinungalingan. Dahil may mga matang nagbubulagbulagan, may mga taong nagbibingi bingihan sa pagtawag sa kanila ng Diyos. Kung mayroon mang taong mahirap kausap, sila ay ang mga nagbubulagbulagan kahit na nakikita nang malinaw ang katotohanan. Gayundin ang mga taong naririnig na ang pagtawag ng Diyos sa paanyaya ng banal na pamumuhay ngunit dedma pa rin sa kanilang naririnig dahil ayaw kumawala sa kanilang comfort zone. Pagpalain po tayo ng Diyos
6 comments
Tama po ang iyong mga sinabi.
Thanks sis
Good Sunday morning to you.
Happy sunday
Tama ka dyan sis mahirap kausap ang taong sarado ang isip.Ang maganda nalang gawin ipagdasal sila na buksan nila ang puso nila sabay ng isip.
Opo sis