If you don’t finish your homework, your mama will use kung-fu

10 62
Avatar for wakeuplincs
2 years ago

Hay naku! Mga bata naman oo. Heto nanaman ako, napapaFilipino! Tinuturuan ko sila, kung anu-ano palang kalokohan natututunan nila sa cellphone at sa mga kapwa bata. Di bale na, nag-enjoy naman si mama/tita.

Pumunta ang pinsan ng mga bata para magpaturo sa akin. TAnong ko sa mama nila, magkano ang bayad kada oras? Napansin ko kasi na ang daming module. Dahil maglalaan ako ng oras at makakaapekto ito sa pangkabuhayan ko kaya ako ay maniningil ng per hour. Dati, wala silang binabayad sa akin, yung mga bata. Pero napansin ko na they take things for granted. I will charge their parents for my service para walang lugi. Ibubuhos ko attention ko, dapat ay di nila itake for granted. Minimal fee lang naman. Actually wala naman talaga ako singil. Panakot lang. Sasabihin ko muna na ganito pero in the end after the school year, wala sasabihin ko. Pero sabagay, maniningil naman talaga ako kapag sobrang dami.

Anyway, habang nagmomodule mga bata including yung pinsan nila, bigla bigla nagpapatawa yung anak ko na pinakakuya nila. Sabi niya, alam mo ba mama ang meme na naririnig ko, “If you don’t finish your homework your mama will use kung-fu!”

Ayun, nagtawanan ang mga magpipinsan.

Hindi na muna ako kumibo. Nakitawa na lang ako. Patuloy ko lang silang hinihimok na mag module. Maya maya, sabi nanaman ng panganay ko, “If you don’t eat vegetable, your mama will put the vegetable in your nose.”

Ay hindi na nakakatawa kaya. Pero tumawa pa rin kami kasi likas yata talaga sa kanila na magaling magpatawa.

Nang hindi na matapos tapos ang gawain ni panganay, tumayo na ako. Nakalimutan mo yata na ako ang mama mo? Sabi ko sa kanya, “If you do not do your module, I will use Kung-fu on you because I am your mother!”

Tumakas siya at pumunta sa kuwarto kung saan natutulog ang kanilang tatay. Umupo ulit ako para turuan ang pinsan nila. Bumalik siya sa sala at ipinagpatuloy ang kanyang module. Maya’t maya nanaman ay nagpatawa nanaman siya. Palibhasa yung tatay niyo luko-luko ano? Pinuntahan ko ang tatay nila sa kuwarto and I pinched his left ear. Napabalikwas siya ng bangon. Ako naman tumakbo papuntang sala. Iyan ang makukuha mo sa pagiging palabiro.

Minsan kasi, sadyang hindi maganda ang pagiging palabiro. May masasaktan, babalik din ang mga kantiyaw mo sa pamilya mo. Kaya minsan dapat hinay hinay lang sa pagbibiro.

Ipinaglalaban ko talaga ang aking paniniwala na huwag magbiro. Kung magbibiro ka man, ugaliing may plano kang ipabatid sa iba. Huwag padalos-dalos sa pagbibiro. May masasaktan at may iba ang interpretasyon.

Ako kasi tuwing nagbibiro sa paaralan, tuwina ay ibinabalik ito sa akin ng aking mga mag-aaral. Tuloy, masarap mapikon pero itatawa ko na lang para wala silang masabi. Ngayon di na ako nagbibiro ng walang kinalaman sa paksa. At kung magbibiro man ako ay banayad lang talaga. Mahirap talaga kasi kapag may masaktan lalo na kung alam kong hindi makatuwiran ang nasabi ko. Dapat laging may goal sa pagbibiro.

Problema ko sa asawa ko at mga anak, nasosobrahan sila sa biro at kapag binibiro ko naman sila minsan, napipikon sila. Naku naku naku, hindi po maaari iyon.

Naniniwala ako na kung makikita nila ang aking punto ay susundin nila ako. Kasi mahirap na eh. Mas maganda na lang na huwag magtawanan kaysa magtawanan nga ang lahat pero puro naman biro.

Ang gusto ko lang naman ay respeto ang manatili sa puso ng mga anak ko, pati na rin ng asawa ko. Kung ipagpapatuloy ang pagiging palabiro na nahahaluan ng pagmamaliit o di kaya ay pangungutya sa iba, makakaranas ang pamilya ng karma. Gusto mo ba iyon?

Kung ano ang pangungutya na inilalabas mo sa iyong bunganga ay siya ring magdudulot sa iyo ng iyak na manggagaling din sa iyong bunganga. Kung ngiti naman ang ibinibigay mo sa iba ay ngiti din ang magiging bunga ng iyong gawain.

Humayo na mga anak at gumawa ng kabaitan. Gawin ang module at itigil na ang pagbibiruan. May oras din para diyan pero siguruhing laging banayad lang sa mga ganyan.

Dumaan na rin ako sa pagiging judgmental, pagiging palabiro, pagiging mapangutya. Hindi naging maganda ang bunga ng mga iyon. Tuwing naman kabutihan ang aking nagagawa ay kabutihan din naman ang isinusukli sa aking ng pagkakataon.

Masaya talaga ang gumawa ng tama. Kaya mga anak, if you do not want mama to use kung-fu, then finish all your modules. Okay?

Hirap talaga ako magturo ng mga bata. Pero dahil kinakailangan ay pagtiyatiyagaan. In fairness, mas marunong si hubby magturo kahit pa sabihin na nating di siya nakatapos ng high school.

14
$ 26.31
$ 26.24 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Olasquare
$ 0.01 from @helmetjetrimi
+ 1
Avatar for wakeuplincs
2 years ago

Comments

ay teacher ko po ba madam? dun po sa sinabi niyo about pagbibiro, accurate po ung mga sinabi niyo, tama lang po na magisip muna bago maguire,kase may mga biro na minsan hindi nakakatuwa. Its also important na ilagay ang biro sa situation yung walang masasaktan na tao. Para saken wala namang masama sa pagbibiro lagi, if and only if the person your joking is close on you. Hindi naman po tama na magbiro ka ng di magandang bagay sa harap ng taong alam mong ikaooffend nya. Sadya na po yun.

$ 0.00
2 years ago

Ay gusto ko yan! Nilalagay sa tamang lugar ang pagbibiro. Tama yun. Kasi mahirap talaga makasakit ng damdamin ng iba.

Yup teacher by accident. Hehehe

$ 0.00
2 years ago

hala ano pong subject tinuturo niyo po and what level of education po kayo nagtuturo? High school po ba?

$ 0.00
2 years ago

Hetong sa kwento kong ito pamangkin ni hubby at mga anak ko tinuturuan ko. Bale elementary sila.

$ 0.00
2 years ago

Wow, nairaos mo ang isang post na Tagalog. Magaling, magaling! At nagalingan din sayo si Rusty! hahaha.

$ 0.00
2 years ago

Haha. Oo nga eh. Tag-lish pa.

$ 0.00
2 years ago

Ang cute naman ng anak nyo po nagpapatawa hihihi. Sana ganyan din maging anak ko. Mahirap po talaga magturo. Lalo na pag di nakikinig ang mga bata. Bale natutunan nila ngayon pero sa susunod na araw nakalimutan na hihihi. Hassle po talaga ang module.

$ 0.00
2 years ago

Yun nga lang minsan nasosobrahan hehehe. Oo talagang challenging. Lalo na kapag tatamarin ka.

$ 0.00
2 years ago

Hahaha nako subra. Mga kapatid ko, tamad na sa module nila. Sabi ko, pili kayo makatapos o walang module. Pero sa totoo lang nahihirapan sila kasi nga d ba po nahihirapan bga nga studyante kahit na tinuturo ng teacher yun pa kayang sila sila lang. Hayy nako. Sana matapos na pandemic.

$ 0.00
2 years ago