Hala, exam na pala?!

0 23
Avatar for wakeuplincs
2 years ago

Bakit kaya ano mang pilit kong gawing adult-like ang aking pag-iisip ay childish pa rin talaga ako when it comes to mga bagay-bagay. Pero, sabi rin nila, hindi rin maganda na ipilit ang mga bagay-bagay. Sabagay, may kasabihan na mapait ang hinog sa pilit. Kaya naman, hayaan natin ang mga bagay na babagay muna sa ating kalagayan para naman sa ganoon ay matimis ang lasa.

Nitong umaga lang, naisipan kong gumawa ng aking review notes. Yun bang babalikan mo lahat ng learning materials na ibinigay ni Sir tapos ay isusummarize mo siya using pen and paper. Oo, subukan mo friend. Quite effective. Iyon ang gawain ko. Ang problema ko lang, sa tuwing nakukuha ko ang aking momentum ay siya namang momentum din ng mga anak ko na magpapansin. Ay, ang sarap talaga mamuhay kasama ang pamilya. Ano? Hindi, totoo naman po. Hindi po ako nagbibiro.

Ang laman ng ilalim ng aking lamesa ay mga scrap/draft/scratch papers. Easy to get mga ito. Isang dampot lang ng kanang kamay ko, kuha ko agad sila. O diba, easy to get? Susulatan ko sila, ilalagay ko lahat ng mga kailangang isaulo o di kaya ay tatandaan. Pagkatapos ng exam, itatapon ko din lang sila o di kaya ay susunugin o pamunas sa kung anuman diyan. Pero at least, naging usable sila so much so much.

Minsan, sinasadya kong nagpapaprint ng extra copies ng modules. Para may bond paper ako na susulatan. Patawarin niyo po ako, hindi na po ako uulit. Pero kasi, kung hihingin ko lang ang bond paper nila ay magtataka sila. Baluktot na pag-iisip anila kapag ganoon. Sabihin pa nila, eh di bumili ka na lang madam! Oo nga naman di ba? Dapat bumili na lang ng bond paper. O siya sige, patawarin niyo na po ako. Last na po iyon, iyong pang last week.

Ang masaklap kanina, iyong nasulatan ko na papel ay siya pang ginunting ni bunso. Magagalit na sana ako pero pinili kong tumawa na lang. Sabi ko sa sarili ko, hind naman document iyon. At tsaka ano ba kapag ginunting niya eh gilid lang naman iyon. It didn’t alter the letters or the words. No chemical change was made. That’s good enough. Ihihihi!

Pero seriously, I really needed to review for my upcoming exam. Because you see, we have to take the exam prepared. It actually is very advantageous for me, those years spent studying because what I am doing now is like review of the review. Nothing significantly new, just the methods and applications maybe but the basic concepts are still the same. Mahihirapan lang siguro talaga ako doon sa technology integration dahil essay pero I will take it to my advantage din na at home natin sinasagutan ang exam. Tamang diskarte lang. We have a lot of help if we know where to look. I am referring to the internet. We can solicit help from online dictionaries, Wikipedia, and the like. We just make sure that we are not copying.

And besides, copying is not recommended kasi ano pa mang tago mo, mga detectives yang mga teacher. Maamoy nila kung may something unusual. Minsan din naging problema ko na matalaga ang aking pang-amoy sa mga cheaters. Kasi mas lalo pa nadadagdagan problema ko. Pero naisip ko rin, kailangan talagang sitahin ang mga bata na nagchecheat kasi it is for their values din later on.

I remember one that I caught someone cheating. I confronted the kid but made sure I was not intimidating. I do not want to give them undue pressures pa. At tsaka Math kasi iyon eh. Ayoko na sabihin nila na dahil sa Math kaya nasisira ang buhay nila. No! I confronted the kid and told him jokingly na, “Sige basta magpasa ka lang kahit ano basta ginawa mo.” Kung nagkataon na pilosopo ang bata, iisipin niya na ano ba naman si Ma’am, sobrang bait. Eh di pwedeng magpasa ng basura?

Naku, nasa inyo na nga iyan. Kayo na kaya ang bahalang mahiya sa ginagawa niyo. All I wanted to give is graceful and calm tone para di kayo mapressure. Pero kappa mamimilosopo pa din kayo, that’s your own keme na.

So ayun, ang galling kong mag-advice sa students but when it comes to myself just before exam ay daig ko pa mga bata na ma-anxious. Grabe talaga ang test anxiety ko. Samantalang ang yabang ko minsan. Sabi ko sisiw lang iyan. Pero pagdating nan g exam, heto na heto nanaman, ninenerbiyos nanaman ako! What to do? Ottoke?

But in the end, it’s God we should seek. Seriously again, I owe everything to Him. I am enjoying things because of Him. Despite the problems, I could still have peace of mind. Hence, let me entrust to Him this upcoming exam. Kayo na po ang bahala…

4
$ 2.56
$ 2.56 from @TheRandomRewarder
Avatar for wakeuplincs
2 years ago

Comments