Bakit? Hindi pwede?
Ano nga ba ang problema kapag nananagalog ang isang manunulat sa platapormang ito?
Sa abot ng aking kakayanan na intindihin ang mga patakaran dito, ang naiintindihan ko ay pwede naman. At bakit hindi? Wala nga namang humahadlang sa atin dito na gumamit ng Filipino.
Nais ko lang naman magpahayag ng saloobin gamit ang aking sariling wika kahit hindi na Agosto na siyang buwan ng wika.
Ang nakakasakit damdamin lamang ay ang tila hindi makatarungang paghatol noon ng isang kapwa manunulat dito s mga kagaya kong Pilipino. Tila walang karapatan ang kagaya ko na maghayag ng damdamin gamit ang aking sariling wika.
Sayang, nagagalingan pa naman ako nang sobra sa kanya. Lagi ko siyang inaabangan noon, kapag naglathala siya, ako ata ang isa sa laging unang nakakabasa ng kanyang mga sinusulat. Lalo na at simple lamang siyang magsulat pero malalim at makabuluhan.
Naiintindihan ko naman ang kanyang nais na tirahin ang mga manggagaya ng ibang sulatin subalit ngunit datapwat hindi naging kaaya-aya ang kanyang naging paraan. (Nakakahurt siya ng felings!)
Hindi na ako sumawsaw sapagkat walang saysay din lamang kung ako ay makisawsaw. Wala akong hangad na ipagtanggol ang mga manunulad at wala din naman akong ganang kampihan ang isang bastos na tao kung magsalita. Iyong tipong nilahat na at hinarang pa ang mga account ng maraming tao rito. (Di ba, nakakahurt talaga?)
Pinupuntahan ko pa rin noon ang mga artikulo niya para basahin ang mga ito subalit kapag naaalala ko ang mga ginawa niya, nasasaktan ako. At hindi ko na nga siya pinupuntahan. (It's too much! It's over!)
Pero nakikita ko na lamang bigla sa mga boosted articles ang mga sinusulat niya. (But no more interest! Di ba ang babaw ko rin? Dahil lang doon? (Hey, self?! Anong dahil lang doon? Hurtful kaya yun!) Aha! Yeah yeah!)
Ipinagsawalang-bahala ko na lamang pero ako ngayon ay nagagalit. Hindi naman sa kanya ngunit ako ay nalulungkot sa pagtigil kong magsulat sa aking sariling wika. Dahil sa sakit ng kanyang paghatol. Pera wala naman siyang kinalaman talaga dapat kung tutuosin. Hindi naman siya ang may-ari nito. At kung talaga namang gusto kong gamitin ang aking pambansang wika, wala namang pumipigil sa akin. Kaya ako nagagalit sa aking sarili.
Ang aking hangad noon tuwing nagsusulat ako gamit ang Filipino ay para maisakatuparan ko ang aking pangarap noon na makapaglathala gamit ang pambansang wika ko.
Paborito ko noon ang asignaturang Filipino kahit pa man hirap din ako noon dito. Alam niyo kung bakit ko paborito ito noon? Dahil sa taglay nitong ganda.
Masaya kayang magsalita sa Filipino... Ang sarap sa pakiramdam makarinig ng mga tula na handog ng mga batikang manunula na Pilipino. Gustong-gusto ko noon na magbasa nang pagkalakas-lakas ng isang kwentong nakalathala sa Filipino. Masarap sa pakiramdam lalo na kung walang halong hiram na salita.
Kaya napagtanto ko na wala namang hadlang sa pananagalog ko rito. Nangalawang na rin ang aking nalalaman sa pagsasalita sa Filipino dulot ng hindi ko madalas na paggamit dito.
Ngayon, ibabalik ko na ang pagsusulat sa wikang Filipino.
Pero sabi ni tatay, kung maaari ay hindi ko paghahaluin ang ingles at Filipino. Kaya sige, subukan ko. Pero siyempre, sa ibang pagkakataon, pagbibigyan ko rin naman ang sarili ko na mag Taglish. (If it gets to the point that I really wanted to write that way. 'Yong tipong ginagaya ko sa mind ko ang mga naririnig ko noon na language ng mga journalists na naririnig ko sa TV. Parang KA lang sana minsan. Harhar!)
Pakiramdam ko ay isang dekada ko nang hindi nagamit ang aking sariling wika dahil sa hindi ko pagsusulat gamit iyon. Hay naku nga naman! Sinasabi ko sa inyo, natiktikan kaya ng platapormang ito na Tagalog ang gamit ko rito. Tagalog na siyang isinaad na ating pambansang wika na tinatawag nating Filipino.
Ikaw kaibigan, nais mo rin bang maglathala gamit ang iyong sariling wika? Ang ating sariling wika? Aba eh, huwag ka nang mag-alinlangan pa! Sulat na sa Filipino!
Parang kilala ko kung sino yun ah. Hahaha. Kaya di na ako sumasali sa mga ano niya eh. Haha.