Ang mahirap ay ang pumili.

0 24
Avatar for wakeuplincs
2 years ago

Nandito ako ngayon sa kadahilanang gusto kong maghayag ng saloobin. Ito ay tungkol sa isang bagay na hindi naman mahirap gawin pero sa dami ng mga pagpipilian ay mahirap tuloy mamili.

Pumili ng alin? Ng paraan. Ng kombinasyon ng gagawin. Para lamang makapagbigay ng serbisyo. Dahil ito ay kinakailangan. Pero dahil naman dito, nagiging masaya ang trabaho.

Iyong tipong, excited ka na magbalita sa sanlibutan, na canvas ang learning managment system ninyo. Pero pagkatapos ng lahat lahat ay tatanungin mo pa rin sa mga bata kung kumusta ang kanilang access sa internet at kung saan sila kumportable.

Siyempre, hindi ka pwedeng magdeklara na canvas lamang at tanging canvas lamang ang dapat nilang gamitin. Ipinagbabawal iyon ng eskwelahan. Minsan kasi, sa dami ng suliranin kapag pinagsama-sama mo ang mga ito, suliranin ng mga bata, ang hindi maayos na pagtugon sa kanilang hiling ang nagiging sanhi upang sila ay mawalan ng gana at respeto sa mga guro.

Naiintindihan ko naman ang mga mag-aaral. Kami nga eh an dami pa naming hindi pa naaayos tulad ng update sa account namin. Iyong akin ay dalawang section pa lang ang nakaadd sa canvas ko. Kaya hindi rin ako makausad pa sa puntong ito.

Sana ay maayos at ma-update na nga ang aming mga accounts nang sa gayon ay mas magiging mainam ang pagpili ng mga bata ng kanilang mode of learning. Pwedeng sa canvas na sila, pwede ring modular soft, o di kaya ay modular printed.

Sa akin lamang, dahil hindi naman lahat ay pumili ng canvas kung kaya para mas magiging uniform ay mas ginagaya ko ang presentasyon sa modular na ilalagay ko sa canvas. Nang sa gayon ay kung maaari, parehas ang kanilang material.

Nabanggit ko noon na mas mainam na gamitin kung anuman ang pinakamalawakang alam ng mga estudyante, subalit ay may mga binibigay din kasi na palatuntunan ang ating paaralan. Kung maaari ay sa Facebook messenger na lahat mag communicate. Pero maganda rin na nandoon ang canvas kung saan nakikita na mas systematic ang presentasyon ng mga learning materials. Hindi natatabunan ng mga bagong mensahe at hindi kailangang mag-back read hanggang dulo.

Kaya, kombinasyon na lang. Si teacher na lang ang humanap ng paraan para manatiling maayos pa rin at hindi contradicting ang nasasabi sa GC at sa canvas. Passion passion passion!

Hangad ko na sana sa mga susunod na taon ay kaya na natin na mag pure canvas. Para mas maituon na ng mga guro ang kanilang enerhiya sa pagtulong sa mga bata na mag-aral. Pero habang hindi pa ganito ka high tech ang lahat ay kanya kanyang pasensiyahan na lang para lahat ay happy.

Kaya pala talaga nagkakaroon ng mga seminars, conferences, meetings, collaboration ang admin at mga guro at mga iba't iba pang sektor para magkaroon ng pagbabahagi ng pinakamainam na paraan. Iyong napapanahon na kombinasyon ng pagbibigay ng online classes.

Minsan nasasambit na lang natin na puro rason ang mga bata, pero malay natin kung ang kanilang sitwasyon nga naman ay talagang ekonomiyang-ekonomiya. Kailangan talaga ay pahabaan ng pasensiya. Gusto ko rin kasi na pahabain din ng mga bata ang kanilang pasensiya sa kanilang mga guro. So that the feeling will be mutual.

Sa parte ko, napagtanto ko na, (Oh my my!!!), estudyante nga pala ako, isang ina, isang asawa, at higit sa lahat, guro ang aking napiling trabaho. Baka mamaya ay bigla nanamang susulpot si psychological na problema ko. Katulad ng nakaraan. Mabuti na lamang talaga at nandiyan Siya. Siya talaga ang ating sandigan.

Patnubayan sana Niya tayo sa ating pagpili ng pinakamainam na paraan para mairaos natin ang ating online classes.

Isang masigabong palakpakan sa ating lahat sa ating patuloy na pagpapakita ng magandang ugali habang ang pandemiya ay hindi pa nagdedesisyon na umalis sa ating buhay.

Mabuhay!


P.S.: Huwag din po pala natin kalimutan sila magulang (parents) o di kaya sila guardians and other members ng pamilya na patuloy na sumusuporta sa atin. Kung wala ang kanilang patuloy na pagsuporta ay hindi magiging masaya ang ating pag-aaral.

3
$ 0.69
$ 0.69 from @TheRandomRewarder
Avatar for wakeuplincs
2 years ago

Comments