read.cash Log in
@vienrose

Vaccinated Sa wakas na tapos na rin sa second dose vaccine, daming tao kanina sa vaccination site wala na talagang sosyal distancing hindi kasi malinaw ang mga instructions nila para sa mga mag second dose tapos kasabay pa ang mag first dose na iba ang brand nila sa vaccine. Muntik na talagang magka gulo kanina don sa site kasi yong iba na iinitan na sa pila nila tapos sasabihin na ipa hihinto ang vaccination, sa akin lang mali nman talaga sila kasi sa una palang pag nag tanong ka na kong saan ang attendance nang second dose sabihin nila dito din pagka tapos ay punta kalang sa tabi-tabi hintayin lang daw na tumawag sila pero pag tingin mo sa kaliwa mo mag pila para sa second dose so ang tao malilito talaga., So yong iba pagka tapos mag attendance pila nalang sila doon sa harap kong saan malapit lang sa pinto papasok kaya iba na nasa likoran nag kakagulo na den, hai sakit sa ulo parang nakakahi-high blood. Pag wala talagang matinong namumuno sa isang pagtitipon hindi talaga maganda ang kalalabasan, meron naman na may namumuno pero parang wala ding paki alam kong ano ang kalalabasan. Sya hanggang dito nalang ang aking kwento mamaya na naman mag gayak na tayo para sa hapunan.. #fullyvaccine @yehoash #sinovac

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.