Kapag mahal mo,kahit pangit gumaganda,Huwag mong iwala yung pag-ibig,kasi pag nawala kahit maganda,pumapangit. Gaya sa paalala sa mga talata ng biblia: Awit ng mga Awit 5:9 Ano ang iyong sinta na higit kay sa ibang sinta, Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae? Ano ang iyong sinta na higit kay sa ibang sinta, na iyong ibinibilin sa amin ng ganyan? Awit ng mga Awit 4:7 Ikaw ay totoong maganda, sinta ko; at walang kapintasan sa iyo. Kawikaan 31:29-30 Maraming anak na babae ay nagsisigawang may kabaitan, nguni't ikaw, ay humihigit sa kanilang lahat. Ang lingap ay magdaraya, at ang kagandahan ay walang kabuluhan:nguni't ang babae na natatakot sa Panginoon, ay siya'y pupurihin. Colosas 3:14 At sa ibabaw ng lahat ng mga bagay na ito ay mangagbihis kayo ng pagibig na siyang tali ng kasakdalan.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet