""PAGBA"" Isa ito sa mga ikinabubuhay ng mga taga Brgy. Colong-colong. Ang paggawa ng mga kagamitan katulad ng kalan at plato na gawa sa luwad. Isa sa mga proseso nito ang 'PAGBA' sa dayalektong Aklanon kung saan niluluto ang mga produktong gawa sa luwad o (clay). Ginagamit nila ang mga natanggal na tuyong sangay ng niyog o 'pakeang' bilang pangpalit sa biniyak na kahoy dahil maraming nahuhulog na mga sangay ng niyog sa kanilang lugar. Bukod dito, ginagamit din ang ilan nilang produkto katulad ng plato sa 'Duyan sa Kanyugan', isang sikat na pasyalan sa kanilang Barangay upang maipakita ang galing ng mga taga Colong-colong sa larangang ito. Pero sa ngayon ay unti unti na ito mawawala dahil sa modernong panahon nating ngayon.
No comments yet