read.cash Log in
@vanjr more from that month

Kasama na sa buhay natin ang pagsubok at problema. Dito natin nasusubok yung tatag na ating dala. Mas lalo tayong tumatatag kapag may problema o pagsubok tayong nalalampasan. Pero minsan nakakasawa din, nakakapagod yung paulit-ulit na hirap na halos sa araw-araw ay nararanasan natin. Hindi natin maiwasan na magtanong kung kailan ba ito matatapos o matatapos pa ba ito ? Lahat ng tao nararamdaman yan, kahit yung pinaka-matatag na kilala mo nakakaramdam din ng pagod. Tao lang tayo, kahit gaano pa tayo katatag darating sa punto ng buhay natin na mapapagod at panghihinaan din tayo ng loob. Pero tandaan mo kapatid. Kailanman hindi napagod ang Panginoon na magbigay ng solusyon sa bawat problema at pagsubok na pinagdaraanan natin. Mararamdaman natin yung pagod at hirap, pero pagkatapos, sa dulo laging may kaginhawahan, dahil yun sa kabutihan at pagmamahal ng Panginoon. Laban lang kapatid! Pinaparanas sa atin ng Panginoon yung problema at pagsubok hindi dahil hindi Niya tayo mahal. Pinaparanas Niya sa atin yun para mas maging matatag tayo sa buhay, at para mas lumapit tayo sa Kaniya, para mas maging matatag yung pananampalataya natin sa Kaniya. Always remember what the Lord said in the book of Joshua 1:5 There shall not any man be able to stand before thee all the days of thy life: as I was with Moses, so I will be with thee: I will not fail thee, nor forsake thee. Walang makatatayong sinomang tao sa harap mo sa lahat ng mga araw ng iyong buhay: kung paanong ako'y suma kay Moises, ay gayon ako sasa iyo: Hindi kita iiwan ni pababayaan kita. Hindi tayo iiwan at pababayaan ng Panginoon, kaya naman magpatuloy lang tayo sa buhay kasama ang Panginoon. Kapag Siya ang naging sentro ng buhay natin, lahat ng mabigat ay gagaan at lahat ng pagsubok ay kakayanin. LABAN LANG !!

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.