read.cash Log in
@vanjr more from that month

Minsahe sa sarili ko Dear Self. Kamusta ka? Parang pagod ka ah? wag ka mapapagod Huh, wag Mo isipan Ang Deadline. Ang Isipin Mo Nalang Kung ipapahintulot Ng Dios Iyon ang mangyare, Yun Ang mangyayari , wag Mo pangunahan Ang Plano Ng Dios para sa Buhay mo , minsan Gusto Mo pero Ayaw nya Naman para sayo , Kung Dumating Ang time na mapagod ka , pahinga Lang, pero wag Susuko , Pag babagsak na Yung mga Luha mo manikluhod ka agad isuko Mo sa kaniya. Nakikinig sya , Pag nawawalan ka na nag Pag-asa Isipin Mo palaging may Pag -asa, Di sya nahuhuli di din nauuna, palaging NASA TAMANG ORAS, NASA TAMANG PAGKAKATAON Ang Dios. Ang kabiguan ay Hindi katapusan Ng lahat , minsan simula palang Ng Tunay na Laban , dyan ka lalakas sa mga sugat Mo , sa mga latay Mo , sa mga sakrispisyo at isasakripisyo mo pa. sa Bawat Luha na ipapatak Mo . Self Laban Lang , Ang Buhay Ang Hindi sa nauna O sa nahuhuli ka , kundi sa paglaban at pagsuko, Ang sumusuko ay laging nabibigo Ang lumalaban ay nanatiling nakatayo. Hanggang sa Huli, Self Laban Lang Maniwala ka sa sarili mo, dahil may ilan pa na naniniwala sa kakayahan Mo, wag Mo silang bibiguin , kaunti Nalang sila na nag hihintay Ng magandang mangyare sa Buhay Mo, Maari sa ngayon naguguluhan ka, nalulungkot ka Pero Sana Isipin Mo Ang ngiti Nang mga Tao na naniniwala sa kakayahan Mo Pag nandoon kana sa bagay na Gusto mo, At sa kahuli Hulihan Ng lahat , Samahan ka nawa at patnubayan ka Ng Panginoon Always; My self

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.