LOOK: Sinimot ang laman ng isang Community pantry ng isang grupo ng mga babae sa Brgy. Kapitolyo, Pasig City. "Tinawag ko pa nga po sila, sabi ko nakalimutan nila 'yung lamesa kasi wala na talaga silang tinira. Sabi lang nila, 'Ibibigay na lang po namin 'to sa mga kapitbahay namin.' Sabi ko sa kanila, 'puwede namang sila na lang pumunta rito kung kailangan din ng mga kapitbahay n'yo,'" pahayag ni community pantry organizer Carla Quiogue tungkol sa insidente. #MyLife
No comments yet