Merong tao na kahit napapasaya ka, kailangan iwasan. Dahil may mga bagay na kapag pinagpilitan mo, sa huli ikaw din ang masasaktan. Kawikaan 25:19 Pagtiwala sa di tapat na tao sa panahon ng kabagabagan ay gaya ng baling ngipin, at ng nabaliang paa. Filipos 3:13 Mga kapatid, hindi ko pa inaaring inabot: datapuwa't isang bagay ang ginagawa ko, na nililimot ang mga bagay na nasa likuran, at tinutungo ang mga bagay na hinaharap, 1 Corinto 13:11 Nang ako'y bata pa, ay nagsasalita akong gaya ng bata,nagdaramdam akong gaya ng bata,nagiisip akong gaya ng bata: ngayong maganap ang aking pagkatao, ay iniwan ko na ang mga bagay ng pagkabata. Roma 8:28 At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios,sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet