Kung mahal mo talaga ang isang tao hindi ka maghahanap ng wala sa kanya. Makuntento ka kung anong meron sya, tanggapin mo kung ano ang maibibigay nya kaya ka nga nagmahal dahil may nararamdaman ka, HINDI DAHIL MAY KAILANGAN KA. At ako'y magiging asawa mo magpakailan man; oo, magiging asawa mo ako sa katuwiran, at sa kahatulan, at sa kagandahang-loob, at sa mga kaawaan.Magiging asawa mo rin ako sa pagtatapat; at iyong makikilala ang Panginoon. Hosea 2:19-20 Gayon din naman kayong mga lalake, magsipamahay kayong kasama ng inyo-inyong asawa ayon sa pagkakilala, na pakundanganan ang babae, na gaya ng marupok na sisidlan, yamang kayo nama'y kasamang tagapagmana ng biyaya ng kabuhayan: upang ang inyong mga panalangin ay huwag mapigilan. 1 Pedro 3:7 Ibigay ng lalake sa asawa ang sa kaniya'y nararapat: at gayon din naman ang babae sa asawa. Ang babae ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa: at gayon din naman ang lalake ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa. 1 Corinto 7:3-4 Mga kapatid, nagsasalita ako ayon sa kaugalian ng mga tao: Bagama't ang pakikipagtipan ay gawa lamang ng tao, gayon ma'y pagka pinagtibay, sinoman ay hindi makapagpapawalang kabuluhan, o makapagdaragdag man. Galacia 3:15 Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, at huwag kayong maging mapait sa kanila. Colosas 3:19 #payo sa mag aasawa #magmamahal na tao #noisecah #magadang tanghali po sa inyong lahat
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet