Kalungkutan, Isang matinding kalungkutan ang bumabalot sa kadiliman.. Pilit kang sinasakal, tila ayaw kang pakawalan.. Nanghihingi ng tulong, Punumpuno ng kahapisan At sa sarili'y alam mong tila wala kang malalapitan.. Tingin sa sarili, lahat ng bagay ay tila tuldok na.. Walang katapusang pagkadarapa, hindi na makausad usad.. Sinusubukang tumayo, ngunit nahihila ng bigat at pagkasiphayo.. Subalit hindi mo ba't naisip? May Dios na sa iyo'y nais manatili? Hindi matatapos sa tuldok ang iyong kwento.. Ito ay pasimula pa lamang ng bagong yugto sa iyo.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet