read.cash Log in
@vanjr more from that month

Kaya ang masasabi ko sayo hindi dapat dumadating yung Depression dahil lang sa lalake. Bakit? Lalake lang ba ang dahilan kaya ka nabubuhay? Ang daming Lalake. Hindi naman katapusan of the Road yun e. Not the end of the road. Niloko ka ng isang lalake o isang babae, It’s not the end of the road for you. There is still a road to travel beyond those incidence in Life.It is not the end dahil ayaw na sayo, niloko ka e tapos na. Hindi ganun ang dapat nating pananaw sa buhay. Mayroon tayong Dios na nagbibigay ng buhay sa atin. To whom we have to dedicate all of our lives. Lahat ng nasa ating buhay dapat doon natin i-dedicate sa Dios hindi sa Tao. Kaya mali yung attitude na parang nabigo sa nobyo e tapos na ang Mundo. Malay mo isang araw mayroong mas mabuti na inihanda ang Dios para sayo. Maaaring nasasaktan tayo sa mga pangyayaring hindi natin inaasahan. Hindi mo man naiintindihan sa ngayon, balang araw ipapakita ng Dios sayo ang dahilan. At sasabihin mo nalang sa sarili mo "Ah kaya pala ganun! Salamat sa Dios. Mabuti nalang at nangyare 'yon kahit na masakit NAPABUTI naman ako. Kaya kung nasaktan man tayo niloko ng mga taong minahal natin ng sobra hindi nman iyan dahilan para tayo madepress o nawalang na ganang mabuhay may Dios na siyang magbigay sa atin ng buhay na mas higit na dapat natin pahalagaan at mahalin ng higit kahit kanino man kung ang Dios ang atin mamahalin at susundin lahat ng mangyayari sa atin para yun sa ikakabuti natin.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.