read.cash Log in
@vanjr more from that month

Huwag kayong masiraan ng kalooban sa ating paglilingkod. May mga pagkakataon na parang gusto na nating sumuko, may mga pagkakataong parang gusto na nating magtaas ng ating dalawang kamay at sabihin tila di na natin kaya. Subalit sa ganoong pagkakataon, lalo nating makikita kung gaano kabait ang Dios sa atin. Kahit anong Problema mas malaki ang DIOS sa problema. NASA LABAN KA. Wag mo ipakita na mahina ka. Pag nasugatan ka ni satanas, dapat mas lalong kang tumapang. Ipakita mong matatag ka. Wag kang luluha sa harapan nya. Kundi ipatak mo ang luha mo sa Panalangin at pagdaing mo sa Dios. Kung sa pakiramdam mo nagiisa ka pagkadadanas ng kapighatian, kakapusan, kawalan ng anoman o kapighatian, mali eh. Eh ano kung walang kaibigang dumadamay sayo o kung sino mang mahalagang tao? Kung meron ka namang Dios na sinasampalatayanan, you have everything in life, a reason enough for you to be peaceful and calm. Huwag kang matakot mawala sayo lahat ng bagay ang katakutan mo ang mawalan ka ng Dios sa buhay Dios ang napakahalaga sa buhay mo. Huwag tayo hihiwalay. Sa salita ng Dios Yun ang ating batayan ng ating pagasa Wag tayo babatay sa salita ng tao Ang panghahawakan natin at pag asa natin ang salita ng Dios. May mga pagkakatadang mararamdaman mong hindi kaya ng abilidad mo, mararamdaman mong wala kang matatakbuhan, doon mo makikita ang pagkilos ng kamay ng Dios sayo. Minsan may dumadating na pagsubok, ayaw mo at pinanghihinaan ka na ng kalooban, pero dapat mong marealize na opportunity natin 'yun para mapatunayan natin sa Dios kung gaano tayo nagtitiwala sa Kanyang magagawa.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.