read.cash Log in
@vanjr more from that month

Covib 19 in aklan

BAYAN NG KALIBO, NANGUNA SA MAY PINAKAMARAMING NAITALANG KASO NG COVID-19 NGAYONG ARAW Nakapagtala ng 81 bagong kaso ng COVID-19 ang probinsya ng Aklan ngayong Huwebes June 24, 2021. Sa nasabing bilang nangunguna dito ang Kalibo na may 17 new Covid cases at sinundan naman ng New Washington na may 14. Pumapangatlo ang bayan ng Nabas na may 9, Lezo naman ay 8 habang parehong 7 ang naitala ng Malay at Malinao. Kabilang pa sa mga bayan na may bagong kaso ng nasabing sakit ngayong araw ang mga bayan ng Numancia na may 6, Tangalan 5, Buruanga 4, at ang Batan, Banga, Ibajay at Makato naman ay naka-record nag tig-isang kaso. Dalawa naman ang namatay ngayong araw dahil sa naturang sakit, habang pumalo na sa 3,908 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng nakakamatay na sakit.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.