Sorry po sa late upload ko nito kuha ko ito kanina noong pauwi na ako galing sa work ko. Noong nakita ko ito naalala ko kuwento sa akin ng akin magulang noong maliit pa ako. Yong time na nagkukulay ako ng coloring book ko sa school. Karamihang na ng mga larawan doon ay nakulayan ko na maliban sa isang picture na di ko makulayan at yong ang paglubog ng araw o sun set. Nagtanong ako sa akin nanay kong ano ang ikukulay ko dito dahil di ko alam at wala pa akong nakitang ganitong mga larawang may kulay. Dito na magsisimula kuwento ng nanay. Noong ginawa daw ng ang mundo ay walang kulay ito inutusan daw ng gumawa yong mga anghel na kulayan ito.Masaya daw sila sa pagkukulay maliban sa isang anghel na nag ngalan indigo. Malungkot si indigo noong bumalik na sila sa nag utos sa kanila at masaya nilang kuwento ang pagkukulay nila. Napansin niya na walang kulay na indigo.Tiwaga niya si indigo at tinanong kong bakit? Sabi ni indigo kaya daw siya di nakakulay ay may tinulungan siya..Umiyak si indigo dahil walang makikitang indigo na kulay sa mundo. Naawa ang nag utos sa kanila at sabi niya may room pang isang bagay na di nakukulayan.At binulong niya ito kay indigo at ayon ang kulay na indigo ay makikita lang kong lulubog ang araw at ito ay napakaganda. #Photography
No comments yet