read.cash Log in
@vanjr more from that month

Kapiyestahan ni Sr.San juan.

LOOK: Kuha ang mga larawang ito sa isla ng Boracay ngayong Huwebes, June 24, 2021, araw ng kapiyestahan ni Sr. San Juan Bautista. Matatandaang ipinapatupad ang pansamantalang pagbabawal sa mga residente ng Malay sa pagligo sa dagat sa araw na ito base sa kumpirmasyon ni Mayor Frolibar Bautista sa National TV nitong Lunes upang maiwasan ang kumpulan ng tao sa beach. Umani naman ito ng iba't-ibang reaksiyon mula sa mga netizenz dahil ayon pa sa karamihan, "unfair" daw ito at mas prayoridad ng pamahalaan ang mga turistang pumapasok sa Boracay. Nilinaw naman ni Bautista na sa naging pahayag nito sa Energy News na pansamantala lamang ito at ipapatupad lamang sa selebrasyon mismo ng kapyestahan. 📷vanjr

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.