Mahalin mo ang asawa mo di lang dahil maganda siya,mabango mabait atbp,kundi mahalin mo siya dahil kay kristo. Efeso 5:25 Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa,gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya; Efeso 5:28-29 Gayon din naman nararapat ibigin ng mga lalake ang kani-kaniyang sariling asawa, na gaya ng kanilang sariling mga katawan. Ang umiibig sa kaniyang sariling asawa ay umiibig sa kaniyang sarili: Sapagka't walang sinoman na napoot kailan man sa kaniyang sariling katawan; kundi kinakandili at minamahal, gaya naman ni Cristo sa iglesia; Oseas 2:19-20 At ako'y magiging asawa mo magpakailan man; oo, magiging asawa mo ako sa katuwiran, at sa kahatulan, at sa kagandahang-loob, at sa mga kaawaan. Magiging asawa mo rin ako sa pagtatapat;at iyong makikilala ang Panginoon.
No comments yet