Huwag kayong masiraan ng kalooban sa ating paglilingkod. May mga pagkakataon na parang gusto na nating sumuko, may mga pagkakataong parang gusto na nating magtaas ng ating dalawang kamay at sabihin tila di na natin kaya. Subalit sa ganoong pagkakataon, lalo nating makikita kung gaano kabait ang Dios sa atin. Kahit anong Problema mas malaki ang DIOS sa problema. Wag mo ipakita na mahina ka. Pag nasugatan ka ni satanas, dapat mas lalong kang tumapang. Ipakita mong matatag ka. Wag kang luluha sa harapan nya. Kundi ipatak mo ang luha mo sa Panalangin at pagdaing mo sa Dios.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet