Ang tunay na nagmamahal hindi makasarili, na kahit hindi kayo mag kasama kahit di kayo nagkikita, ang hiling mo nalang sa Dios ay makapanatili at makapagpatuloy siya sa tungkulin niya at dapat niyang magawa. Ang tunay na nagmamahal ay yung naisin mo kung ano ang ikakabuti niya. 1 Corinto 10:24 Huwag hanapin ninoman ang sa kaniyang sarili, kundi ang ikabubuti ng kapuwa. 1 Corinto 7:20,24 Bayaang ang bawa't isa'y manatili doon sa pagkatawag na itinawag sa kaniya Mga kapatid, bayaang ang bawa't isa'y manatili sa Dios sa kalagayang itinawag sa kaniya. 1 Corinto 7:7-8 Kaya't ibig ko sana, na ang lahat ng tao ay maging gaya ko.Nguni't ang bawa't tao'y mayroong kanikaniyang kaloob na mula sa Dios, ang isa'y ayon sa paraang ito, at ang iba'y ayon sa paraan yaon. Datapuwa't sinasabi ko sa mga walang asawa, at sa mga babaing bao, Mabuti sa kanila kung sila'y magsipanatiling gayon sa makatuwid baga'y gaya ko. # tunay na pagmamahal #maraming salamat po sa inyong lahat
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet