Yung pangit na nakaraan hindi yun nakakatulong bagkus nakakadown.Magdalahan tayo ng pasanin ng isat isa, " pinakamagandang magagawa natin isama natin sa panalangin" Maging masaya nalang tayo sa mga taong minsang na-down pero ngayon ay pilit na bumabangon. Nagpupumilit na maging dapat balang araw. Maging masaya tayo para sa kanila. Nagkamali man o napagbintangan, wag tayo maging rude sa kanila. Ilagay man natin ang sarili sa kalagayan nung tao, mararamdaman mo kung ano ang pakiramdam ng pinag-uusapan. Magdalahan tayo ng pasanin ng isa't-isa, wag tayong maging pasan pa nila. At ang pinakamagandang magagawa natin para sa kanila ay ang isama natin sila sa ating mga panalangin. Magandang araw po sa inyong lahat.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet