Kailangan po natin makita ang Dios sa ating buhay. Para tayo ay makatiyak sa ating hinaharap. Tandaan nyo may buhay sa kabila ng kamatayan. Hindi komo namatay tayo tapos na. Sa kamatayan may buhay na hinaharap. Ang tawag po sa Biblia kabilang buhay. Habang wala pa po yon mag handa na tayo. Dahil sa ayaw at sa gusto natin dadating po yon. Yun po ang aming anyaya sa inyo. Wala naman pong bayad basta lang makikinig lang po kayo. ECLESIASTES 9:5. "Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala sa kanila ay nakalimutan." HEBREO 9:27 At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet