"Kabilang Buhay"
Lahat satin ay may maikling kasiyahan sa mundo. Lahat tayo nag aasam ng pakirandam ng makalanghap ng malinis na hangin, magandang sinag ng araw na dadapo sa yong mga balat. Magandang paligid na iyong mtatanaw, ang marinig ang kaliskis ng hangin sa mga damong me mga hamog. Lahat tayo nangarap ng masayang buhay, pero hindi lahat ganun ang ngaganap. Ibat ibang landas, ibat ibang kalagayan. May mganda may sakto lang, at meron ding nga nasa kagipitan. Bawat tao may ibat ibang sitwasyon. May mas nkakaangat may nasa kalagayang nkakaraos nman pero meron ding nasa kalugmukan. Sa bawat oras mo dito sa mundo ay may knya knyang konsepto. Ganun pa man, kahit nasaang antas ka kaibigan, lagi mo piliing maging masaya. Nakikita mo ba ang mga taong walang bahay, walang magandang damit walang masarap na pagkaing kakainin sa magarang mesa?. Kaibigan ang importante ay ang mga ngiti, ang kabutihan na maaari mong ibigay sa kahit kaninoman. Mayaman o mahirap lahat tayo ay magpapantay sa banyong ating pinandidirihan. Lahat tayo babalik sa lupang ating pinagmulan. Lahat din tayo ay umaasang merong kabilang buhay. Nawalan knb ng mahal sa buhay? naranasan mo na bang me hanap hanapin sa iyong pagtulog upang sila'y mahagkan. Naramdaman mo nabang kumausap sa kawalan para lang mapawi ang sakit na nadarama. Pag ikaw o sila ay nasa kabilang buhay na. Lahat ng yaman na meron ka, hindi mo na kayang dalhin sa kabila. Wala kang ibang mdadala kundi ang kabutihan, masayang ngiti, mga mabubuting alala at masasayang karanasan. Habang andyan ang mahal mo sa buhay yakapin,mahalin at pasayahin natin sila. Hindi maibibigay ng ano mang materyal na bagay ang kapayapaan na madarama sa kabila. Walang ganuon kaibigan, kaya hanapin ang kapayapaan sa iyong puso. Hanapin ang mga masayang alaala. Hanapin ang kabutihang kaya mong ibigay kahit sa maiksing mga ngiti habang di kapa tumatawid sa kabilang buhay.