WODL | JOURNEY "Good company in a journey makes the way seems SHORTER!" - Izaak Walton Mabuti na lang at binigyan ko ng oras ang huling chance para masagot ang WODL ngayong araw. Naka-5 try na ako pero di pa rin makuha-kuha. Sa wakas at tumama rin, salamat sa isa nating ka-noisemates at nagkaroon ako ng ideya kung ano ang sagot ngayon. Yun kase agad ang nakita ko pagbukas ko. 😊 Agree ako na minsan sa paglalakbay kapag kasama mo ang mga taong talagang nakasuporta sa'yo di mo namalayan andun ka na sa dulo. Pero minsan may pagkakataon na kailangan mong tahakin ang isang landasin ng mag-isa, ika nga ikaw ang gagawa ng sarili mong tadhana. Magkaganon man akala mo nagawa mo na ang best mo pero andiyan pa rin si FAILURES, REJECTIONS, MISSED OPPORTUNITIES at para bang STUCK ka sa isang place. Di alam kung saan ihahakbang ang mga paa. Ihahakbang ba paunahan at magpatuloy kahit di alam ng daraanan o ihahakbang paatras para huminto muna upang magpahing muna saglit. Sa iba parang napakadali na maabot yung mga pangarap nila o gusto sa buhay pero bakit may iilan na parang ang hirap itong abutin, kala mo malapit na pero parang patuloy itong lumalayo kahit anong hakbang ang gawin. Maulan na hapon! PS. Senti-sentihan, di kasi paawat ang ulan sa pagbuhos.
6 comments
Ishare mo sis para makadalawa ka ako everyday nakakadalawang sagot ei
Nagtry ako magshare sis pero isa lang lagi.
Kapag ni share mo iopen mo ung message tapos back basta maopen siya tignan mo makakadalawa importante lng aman maopen yung nishare mo
Thanks sa hints hehe
Muntik ka nang maubusan ng space buti na lang na solve mo haha
Oo nga sis kaya di ko muna sinagutan ng isa na lang natitira haha