read.cash Log in
@unknownymous19

HIGH STREET CAFE "A long and tiring day deserves a BREAK!" ☺️ Sa maghapon, di ko na mabilang kung ilan na ang nilakad ko. 😅 After work niyaya ako ni Ma'am Dy para kumain sa labas, DATE daw kami kahit pagod at pawisan go na. Natutuloy talaga kapag biglaang yaya. Kumain kami ng burger, shawarma, at MILKTEA (wintermelon flavor), 1st time ko uminom niyan at masarap naman pala. At first ko rin doon sa lugar na kinainan namin. Next spot namin ay sa CAFEZA kung saan andito lang makikita sa lugar ngunit may kalayuan at kailangan mong may sasakyan. Happy tummy! 😁 May mga times na nagiguilty pa rin ako tuwing lalabas para kumain o tumambay sa centro, yung ipanggagastos ko sa pagkain na bihira ko lang makain ay ilaan ko na lang para sa mas mahalagang bagay o gastusin. Nasa stage na talaga ng ADULTING pero ang height nakuu.😅 May nabasa nga ako na wag na wag maguilty kung ME time dahil hindi naman buong buhay mo eh magtrabaho para magbayad lang ng bills at ni judiths. Once in a while ika nga, kailangan rin tayong magKITKAT (take a BREAK)! Magandang gabi sa lahat ng madlang noisepipz! ☺️ PS. Sa buong maghapon, nakalikom ako ng 7k pataas na 👣.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.