PASAKATAN Alas dos y medya na kami umalis ng kapatid ko para mag-grocery. Nakasanayan na namin na bago sumapit ang new year ay may mga stocks na kami ng mga kailangan sa bahay kung saan ang tawag jan ay "PASAKATAN" sa Bicol. Di namin yan muna gagalawin hanggang di pa 1. Pero ang pinakaimportante na puno ay bigas at asin sa pagsalubong. Kanina ang daming tao sa supermarket, bawat counter ay punuan at yung iba ay "closed" na kahit alas kwatro palang ng hapon kaya natagalan kami maghanap ng available counter sa haba ng pila. Mabuti na lang doon sa naunang nakapila sa amin na namili rin ay sinabihan kami na sa kabilang counter ay malapit ng matapos kaya lipat naman kami. Naunahan namin tuloy matapos yung manong na nauna sa amin sa pila pero kahit ganun may mga tao pa ring may mabuti at mababang loob. Magandang hapon. 😊 PS. Kaunti lang pinamili namin pero umabot na ng tumataginting na trikey.
No comments yet