read.cash Log in
@ughyannie

Kapag namulat kana, kasalanan na ang pumikit.

Hello mga kababayan. Marahil ang iba sainyo ay nababasa to ngayon, ang iba hindi. Pero sana kung mababasa niyo man ito ay may mapulot kayong aral. Title palang, malalim na. Alam kong karamihan sa atin ay nararamdaman kung gano kahirap mabuhay sa Pilipinas. Karamihan satin nararanasan o naranasan ang isang kayod isang tuka na pamumuhay. Pero kung isa ka sa mga taong may pribilehiyo na minsan ng namulat sa katotohanan at sa isyu ng lipunan ngunit patuloy pa ring tinatalikuran ang bayan at ang mga mamamayan nito, oras na para mabasa mo ito. Kapag namulat kana kasalanan na ang pumikit at patuloy na magbulag-bulagan at bingi-bingihan sa daing ng ilang milyong Pilipinong naghihirap dahil sa sostemang binuo para lamang sa benepisyo ng mga mayayaman. Gamitin natin ang ating pribilehiyo para tulungan ang milyong milyong Pilipino na wala nito, para maging boses ng masang api, para maglingkod sa bayan. Ipaglaban ang Pilipinas at mga Pilipino. Lagi't lagi para sa Bayan.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.