read.cash Log in
@ughyannie

Maligayang Araw ng Kalayaan, Pilipinas

Sa panahon ngayon kung saan binubusalan ng mga ganid sa kapangyarihan ang mga bibig ng mga mamamayan at yinuyurakan ang kanilang mga karapatan, marapat lamang na alalahanin ang ginawa ng ating mga bayani upang makamit ang ating kalayaan. Ngayong may nagbabalak muling kuhanin ito sa atin, kasalanan na ang manahimik. Kasabay ng paggunita natin sa "Araw ng Kalayaan," kahit hindi na ito maramdaman ng karamihan, patunayan nating nabubuhay tayo para sa ating bayan. Patunayan nating hindi tayo paaapi. Patunayan nating hindi tayo pasisiil. Patunayan nating patuloy tayong lalaban kahit sa panahon pa ng kawalang-hustisya at karahasan. Huwag nawa tayong matakot at maduwag na magsalita, sapagkat karapatan ito at hindi kasalanan. PS. Late napublish.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.