read.cash Log in
s@supermike13 more from that month

12 DAYS BEFORE CHRISTMAS Labindalawang araw bago mag pasko, Christmas song ang naririnig ko. Nakaka excite kung iisipin mo, Sana araw araw nalang ay Pasko. Malamig ang simoy ng hangin, Himig ng pasko'y ating damhin. Simulan ang paghahanda ng panalangin, Biyaya ng Diyos ating kamtin. Busy na ang mga tao, Sa pagbili ng mga regalo. Malaki o maliit man ito, Sigurado masaya ang makakatanggap nito. Muli nating sariwain, Ang kapanganakan ng Panginoon natin. Pagbibigayan at pagmamahalan ang dapat gawin, Na gusto ng Diyos para sa atin.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.