Saging po kayo diyan!! Magmula po ng maoperahan si papa, natigil na po siya sa pagtatrabaho at ang pagtatanim ng mga gulay at saging ang pinagkakaabalahan niya. Kapag namumunga na ang saging ay amin itong ipinagbibili at ang iba naman po ay aming pangkunsumo. Malaking tulong po kahit papano sa aming kabuhayan. Hindi maikakaila na kahit papano ay hindi naging pabigat ang kalagayan niya para makatulong pa rin sa aming pamilya. Masayang Biyernes po sainyo mga kaingay.
No comments yet