Ang Magazine

4 35
Avatar for sjbuendia
3 years ago

Ito ay bandang alas 12:00 o 1:00 ng hating gabi ng isang Sabado. Ako at ang aking kapatid ay natutulog sa isang silid ngunit siya ay laging nagpupuyat dahil kausap niya lagi ang kanyang mga kaibigan sa telepono kung kaya't hindi ako makatulog ng magandang sa gabi. Naistorbo ako ngunit hindi ko gusto na magdulot ng away sa hating gabi dahil ang aking kapatid na babae ay sobrang matigas ang ulo, kaya't natulog na lamang ako sa sopa sa sala.

Kahit na hindi ko gustong matulog sa malawak na espasyo ng nag-iisa dahil ito ay nagbigay sa akin ng isang nakakakilabot na pakiramdam, ito ay tiniis ko dahil ito lamang ang paraan para makatulog ako ng maayos. Lumabas ako papunta sala dala-dala ang mga unan at kumot ko. Ngunit hindi ako makatulog ng ilang sandali kaya't napagpasyahan kong manood ng ilang mga palabas sa tv. Habang nanonood ako ng tv, sa sulok ng aking mata ay nakakita ako ng isang tao o isang bagay na nakatayo lamang na nanunuod sa akin. Hindi ko na ito masyadong pinansin at inisip dahil ako ay medyo pagod at naisip kong baka ang aking mga mata ay naglalaro lang ng mga trick sa akin. Nagsimula na akong antukin kaya pinatay ko ang tv at pinatay ang mga ilaw at nakatulog.

Nagkaroon ako ng kakaibang panaginip, ang naalala ko ay, sa panaginip nakita ko ang aking sarili na natutulog sa parehong posisyon kung saan ako nakatulog. Habang pinagmamasdan ko ang aking sarili na natutulog may ulo mula sa likuran ng sopa na lumilitaw. Ito ay payat at may maitim na may pagka-dilaw na balat na may mga ngipin na parang kabayo, nagpanic ako na hindi alam kung ano ang gagawin kaya sinubukan kong gisingin ang aking sarili sa pamamagitan ng pag-hiyaw at pagsigaw ngunit walang saysay. Ang nakakatakot na bagay na yoon ay lumalapit ng lumalapit dahil doon lalo akong nagpapanik. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ang alam ko lamang na ito ay masama at may masamang hangarin. Dahil sa takot ko naisip kong sigawan ko ang bagay yun ng lahat ng mga banal na salita na alam ko. Nagdasal ako at tumawag sa diyos at sa lalong madaling panahon ang bagay ay nanlambot at nahulog sa sahig at gumagawa ng isang malakas na ingay.

Iyon at ako ay nagising ako ng may malakas na tumunog sa sahig. Pinagpapawisan ako at natatakot na takot para sa aking buhay, mabilis akong lumingon sa likuran ko upang makita ang sopa. Kahit madilim ang paligid may naaninag akong parang bagay sa likuran ng supa. Kaya't binuksan ko ng mabilis ang ilaw. Nakita ko ang isang magazine na nakabuklat sa pahinang may nakakakot na balita tunkol sa kamatayan. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Sa aking pagkagulat at pagkatakot, hinawakan ko ang aking kumot at unan at tumakbo sa aking silid. Ang aking kapatid na babae ay natutulog ngunit sa aking takot hindi ko maisara ang aking mga mata at patuloy na nakikiramdam para sa anumang kaluskos.

Nanatili akong gising sa natitirang gabi. Nang sumikat ang araw ay agad akong tumakbo sa sala upang makita ang sopa sa perpektong kondisyon. At inayos na ng aking magulang ang lahat at sa kanyang pagtataka, tinanong niya kung bakit ko iniwan ang magazine sa sahig. Ako ay nagtataka sa mga pagkakataong iyon sapagkat lingid sa aking kaalaman na may magazine pala sa likuran ng sopa.

Naligo ako ng may pagkabigla at pagkatakot. Habang ako ay naliligo, iniisip ko kung ako nga ba ang naglagay ng magazine doon at kung paano ito nagkataong nakabukas sa pahinang napapatungkol sa pagkamatay ng isang tao. Sinubukan ko ring magisip ng ibang posibling paliwanag para dito. Ngunit hindi ko ako makahanap ng paliwanag.

Mula pa noon ay natatakot na akong matulog sa sala kahit na hindi talaga ako makatulog kasama ang aking kapatid na laging maingay. Ito ay mas ayos kaysa saa pagtulog ulit sa sala.

________________________

Wag niyong kalimutan na magsubmit palagi ng mga kwentong kababalaghan sa ating Spooks Community mga ka-SPOOKS 👻

5
$ 0.75
$ 0.75 from @TheRandomRewarder
Sponsors of sjbuendia
empty
empty
empty
Avatar for sjbuendia
3 years ago

Comments

more ser

$ 0.00
3 years ago

Pwede Ka din mag share dito ng sarili mong horror story :)

$ 0.00
3 years ago

Cge po pag may time...thanks.

$ 0.00
3 years ago

pwede po pa pa subcribe ako at pa like article ko

$ 0.00
3 years ago