Isla ng Samal

0 2
Avatar for sirmagz32
3 years ago

Ang Samal Island o Island Garden Cityof Samal ay matatagpuan sa probinsya ng Davao del Norte. Galing sa Davao City papuntang Sasa o Sta. Ana Wharf, may mga rorong nag hihintay para kayo ay makapunta sa Samal Island sa 20-30 minutes.

Kasama kong pumunta dun taong 2012 ay ang aking mga pinsan at kapatid. Ang mga sikat o kilalang tourist spots doon ay ang Hagimit Falls at ang Maxima Aqua Fun. Napakalinaw ng tubig at ito ay napakalamig. Nakapagandang puntahan para mawala saglit ang iyong nga saloobin at hinanakit sa buhay pag nagtampisaw ka sa tubig ng Hagimit Falls. Ang mga bilihan sa loob ng Isla ay hindi masyadong mahal. Tamang tama lang sa budget kung ikaw ay nagtitipid.

Sa Maxima Aqua Fun naman ay napakaganda ng tanawin. Ang napaka challenging dito ay ang napakahaba nilang 40 meters na super slide papuntang dagat at ito ay napakalalim. May mga ibang water activities ka ring magagawa sa Maxima Fun. Mag eenjoy ka talaga lalo na kapag kasama mo ang iyong mga kaibigan at mga ka pamilya.

1
$ 0.00
Sponsors of sirmagz32
empty
empty
empty
Avatar for sirmagz32
3 years ago

Comments