Batang Musmos

0 5
Avatar for sirmagz32
3 years ago

Nakakaawang tingnan ang mga larawang na screenshot ko sa facebook. (credit to the owner)Ako ay napaluha kanina ng makita ang isang sanggol na bata na nilagyan pa ng mga damit sa gilid ng isang malaking palanggana. Napaisip tuloy ako kung sakaling mangyari ang sinapit nila na baha sa lugar namin. What if ganyan din gagawin ko sa aking apat na buwang anak pa lang na babae, kaya ko kaya?Alam kong sila ay mga musmos pa lamang at walang kamuwang muwang sa ating mundo. Masakit tingnan ang mga pangyayari at sinapit nila.

Alam kong nasa mabuti na silang kalagayan pero huwag nating kalimutang tumulong pinasyal man, materyal na bagay o kahit sa ating mga dasal. Hindi madaling mawalan ng mga gamit, ari-arian, bahay pati hanapbuhay. Salamat sa mga Pilipinong tumulong, nagkapit bisig at nag rescue kahit sila ay magdamag na walang tulog handa pa rin silang isagip ang buhay ng mga kapwa Pilipino. Lilipas din yan at huwag kayong mawalan ng pag-asa lalo na ang ating mga kabataan na pag-asa ng ating bayan.

3
$ 0.11
$ 0.11 from @TheRandomRewarder
Sponsors of sirmagz32
empty
empty
empty
Avatar for sirmagz32
3 years ago

Comments