Pagtataksil

8 28
Avatar for shen1994
2 years ago

Bago ko simulan ang kwento ko,gusto ko kayong batiin ng magandang araw.Mag ingat po ang lahat lalo na sa kumakalat ngayon na delta variant covid19 virus.

Ang isusulat kung ito na istorya ay hindi base sa buhay pag-ibig ko.Ito ay base sa buhay pag-ibig nang kaibigan ko.At pansamantala ko muna papalitan ang mga pangalan nila dito.

Si Roger ay kaibigan nang asawa ko mula pa noon dahil yung nanay ni Roger ay ninang ng asawa ko na si Win.Kaya malapit talaga silang magkaibigan.At nakilala ko lang din itong si Kuya Roger noong naging magkaka trabaho kaming tatlo sa isang panaderya.Naging close kami ni Kuya Roger dahil na rin sa asawa ko.Hanggang sa ilipat kami ng ibang branch ng bakeshop na pinagtatrabahuan namin.Boyfriend ko pa lang din noon yung asawa ko na si Win.Ilang buwan ang lumipas mula noong ilipat kami meron katapat na panaderya din ang aming pinagtatrabahuan,at meron isang tindera ang pumukaw nang pansin kay Kuya Roger at yun ay si Elena.Si Elena noong bagong kilala namin siya ay medyo mahiyain at hindi rin kagandahan,pero maputi.Dahil sa panunukso nang mga katrabaho namin ay niligawan niya ito.Nagka mabutihan sila at nagtanong ako kay Kuya Roger.

Ako:Kuya seryoso ka ba doon kay Elena?

Kuya Roger:Hindi,niligawan ko lang yun.Di ko naman alam na sasagutin ako.Trip ko lang yun.Hindi ko tipo ang ganoong babae

Ako:Hala,pag malaman niya yan na.Lagot ka! sabi ko sa kanya.

Lumipas ang mga araw,linggo at buwan ay nagka hiwa'hiwalay na kami dahil sa umalis na ako sa panaderya na pinagtatrabahuan namin at umuwi ako sa lugar namin.Hanggang sa wala na din kaming balita sa kanila.

Taong 2018 muli kaming nagkita-kita at hindi namin akalain ng asawa kong si Win na naging mag asawa sila.At hindi pa kami close noon ni Elena.Kaya parang wala lang sa akin.At noong 2019 inalok niya ako ng direct selling.Doon nag umpisa na kahit konti nakakapag usap kami pero ako nahihiya pa dahil nga sa hindi kami pa close.Minsan tumatawag siya sa akin pero ang topic namin ay tungkol sa binibenta naming produkto.Isang araw nag away sila,tumawag itong si Elena sa akin gusto niya mag tambay sa bahay ng ilang araw at pumayag naman ako.Tatlong araw din siyang hindi umuwi sa kanila,kwinento niya lahat ng problema niya sa akin na itong si lalaki ay meron palang pagka immatured.Palibhasa wala silang anak kaya pag mag away,gusto agad nila ay mag hiwalay.Pero pinayuhan namin sila na mababaw lang ang problema nila,kumpara sa pinagdadaanan namin.Mayroon pa kaming dalawang anak niyan,sila wala.Mga sarili lang nila ang iintindihin nila.At dahil doon sa sinabi namin umuwi itong si elena,kasi hindi naman siya sinuyo ni Kuya Roger para umuwi.At ibinalita nalang niya sakin sa pamamagitan ng pag chat sa messenger app na ok na sila.Kaya hindi na siya bumalik sa bahay.

Makalipas ang taon ....Nag message sa akin si Elena dahil nahuli niyang may ibang babae itong si Kuya Roger.

Elena: Ja marunong ka ba magbukas ng facebook account na bagong gawa?

Ako:Bakit?Kaninong facebook account?Pwede mo yan mabuksan i-forgot password mo lang.

Elena:Bagong gawa ni Roger.Hindi ko mabuksan kasi wala dito sa akin ang number na ginamit sa paggawa ng fb account.

Elena:Ayy ok na Ja,nabuksan ko na at nabasa ko na ang pag uusap nila ng babae niya.Pasa ko sayo ang pag uusap nila

Ako:Hala grabe naman si kuya bakit niya nagawa yun sayo.

seeen.....(na seen mode ako)

Kinabukasan nagkita kami ni Elena at na kwento niya lahat tungkol kay Kuya Roger at sa babae nito.Sa text niya lang nahuli na meron babae pero todo deny naman itong si Kuya Roger.Sinampal niya at inaway ito para matauhan si Kuya Roger,inaway niya pati na din yung mga kapwa driver dahil sa pangsusulsul nila para gumawa ng kalokohan.

Roger:Wala naman akong babae.Sa kaibigan ko yan,ako lang nag rereply.

Elena:Kung sa kaibigan mo yan bakit ikaw yung nag pupursige na mag reply diyan at tinatago mo pa ang cellphone mo.

At hindi nakaimik si kuya roger.

Ilang araw umamin din si Kuya Roger kay Elena .Pero sabi niya wala daw sa kanilang nangyari ng babaeng ka text niya.At nangako ito kay Elena na hindi na uulitin.

Pero noong linggo Aug.1,2021 ay umamin itong si Kuya Roger sa asawa ko,dahil nga sa malapit silang magkaibigan ay napaamin niya ito na hanggang ngayon mayroon pa silang ugnayan ng babae at palaging nagkikita.Ilang beses na din meron nangyari sa kanila.Ang dahilan niya kasi maganda daw yung babae.

Yun lang ba ang basehan para pag taksilan ang asawa.Dahil nakakita ng mas maganda,mas maputi at mas sexy?

At naawa ako sa kaibigan ko,kasi wala siyang kaalam alam.Hindi niya alam na pinagtataksilan pa rin siya ng asawa niya.Ang buong akala niya nagbabago na ang asawa niya kasi sweet na ito palagi sa kanya.Gusto kong sabihin ang nalaman ko pero paano?Kasi asawa ko ang masisira din kasi siya lang ang pinag sabihan ni Kuya Roger.

Ano ba ang dapat gawin?

Sa pagmamahal dapat magtira ka para sa sarili mo,hindi yung bigay ng bigay lang.Dahil baka hindi mo alam sa isang iglap ay maglaho yung pagmamahal na ini-ingatan mo.

Mapapatanong ka nalang sa iyong sarili na bakit?Saan ba ako nagkulang?

Salamat po sa matiyagang pagbabasa.Sinulat ko yan dito kasi hindi maalis yan sa isip ko.Gusto kong sabihin sa kaibigan ko pero hindi ko alam kung paano.Hayaan ko nalang na siya ang maka tuklas,dahil mayroon naman tayo kasabihan na walang lihim na hindi na bubunyag.

Love you all

4rth article
shen1994
Aug.7,2021

Lead image source:https://www.unsplash.com

Sponsors of shen1994
empty
empty
empty

3
$ 0.10
$ 0.05 from @Carewind
$ 0.05 from @Eunoia
Sponsors of shen1994
empty
empty
empty
Avatar for shen1994
2 years ago

Comments

Ayun, yan mahaba na lods.! After period and commas, dapa may space lods,. Ayus na yung flow nya.,!

$ 0.00
2 years ago

thank you hehhe.more practice pa.on the spot ko yan ginawa.Pag may period at comma dpt lagyan ng space?

$ 0.00
2 years ago

Oo., Pagkatapos mo ng (.) Perion at kama, space ka talaga lods.,

$ 0.00
2 years ago

ah cge po.copy.

$ 0.00
2 years ago

Magbasa ka mg ibang mga content, pagmasdan mo din lods,.

$ 0.00
2 years ago

ok sige.gawin ko yan.. Nagbabasa ako sa iba.Pero di ko napansin yan

$ 0.00
2 years ago

Laki tulong nung nagbabasa ka oara mapansin at mag comment ka din,.

$ 0.00
2 years ago

oo cge lods.

$ 0.00
2 years ago