hindi na ako aasa pa ako II
Please do read the first part right here. https://read.cash/@sheensheen13/hindi-na-ako-aasa-pa-ako-2e793820 *"Anong ginagawa mo?"* Pinigil ko ang hininga ko bago humarap sayo *"Ano bang pake mo?"* Hingal pa din sa aking pagtakbo Nalate ako dahil sayo, sana alam mo! Napuyat ako kakaisip kung anong nagbago Saan nagsimula 'tong kahibangan ko? Anong dahilan kung bakit ako natatameme sayo? Isa ka lang naman dati sa mga kaklase ko Gusto ko nang ibalik ang dating ako Hindi naman sa pakialamera ako Kasalanan ko bang pansin ko bawat galaw mo? Masama bang itanong kung ano nasa isip mo? Pakiramdam ko nabubuang na ako Kulang na lang umamin ako sa iyo Pipigilan ko 'to hangga't makakaya ko Itataga ko sa bato na walang makakaalam nito Tiwala lang magiging normal ulit ako Saka ako nabalik sa wisyo, hawak ko na kamay mo *"Anong ginagawa mo?"* `Di pa tapos bHie`
No comments yet