Umagang kay ganda tulad ng bulaklak na ito na kasing ganda ko charrr. Friday the 13th pala ngayon. Sabi nila malas daw. Hindi naman totoo. Kasabihan lang nila yun. Medyo inaantok pa ako at gusto pang matulog. Kaso kailangan ng bumangon at may lakad pa mamaya. Idaan ko na lang sa kape. Aabutan ako ng init. Tindi pa naman ng init. Lalo kahapon sobrang init. Yun bang mainit din ang lumalabas sa electric fan. Pawisan nga ako sa madaling araw, wala naman kaming aircon. Mainit pati ang tubig namin sa gripo kapag tanghali dahil yung tubo naiinitan at babad sa sikat ng araw. Yun bang pwede na ipang kape. Dahil dito sa lugar namin hindi nwawalan ng tubig. Happy weekend friends!!! 051322 0810 Pht @nhez43
No comments yet