Happy Mother's Day sa lahat ng mga beautiful mommas dito at sa buong mundo. Kaliwa't kanan ang mga greetings sa lahat ng social media platforms. Dami ko pa babatiin sa Facebook. Dahil mga relatives ko ang andun. Wag kayo mag alala lahat kayo babatiin ko. Yun lang ang magandang regalo sa ating mga nanay. Ang mabati, mayakap at masabi natin na mahal natin sila. Pero hindi lang naman dapat sa birthday o mother's day, dapat lagi natin sabihin na mahal natin sila. Naghahanda muna ako ng kakainin nung mag ama, tapos ako'y lalarga na baka makahabol sa paambon hehe. Baka may paper bills na give away lol. Tamang tama ang pag-uwi ko dahil mayayakap at mababati ko ng personal ang aking lovely mother earth. Sabi magluluto daw cya ng cassava cake, actually request ko yun. Hay ang busy ko today! Tapos ngayon lang nagsabi ang teacher ng eldest ko baka gusto ko daw humabol sa cookery. Para sa grades ng daughter ko. Hay late na nagsabi ang adviser. ay! Pasaway na teacher haha. O siya, napahaba na yata. Ganito pala ang busy ang haba ng naisulat haha. Kapag inupuan mo ang pagsusulat tuloy tuloy ang naiisip mong sasabihin. Happy Mother's Day everyone!!!! 050822 0953 Pst #happymothersday
1 comment
Happy Mother's Day cuz at kay tita Nancy