Pansit Wala munang kanin, kaya pansit ang aming hapunan. Konting gulay at sardinas ang lahok. Kailangan magtipid. Galing sa ayuda ang bihon at sardinas. Masarap din pala. Kaya lang konti lang nakain ni bunso. Di nagustuhan ang sardinas na lahok. Saka busog pa siya, panay kasi hingi ng pagkain. Ang takaw na naman niya. Tinatamad ako magpost kanina. Wala kasi ako maisip. Kaso ayan nakapag post na naman. Mapayapang gabi po sa inyong lahat. Maya maya ay matutulog na din. nhez43 💞 #pansit
1 comment
Bihon with sardinas.. special na yan sa amin nuon sa bukid. Kapag birthday tapos may ganyan naku tuwang-tuwa na kami nyan..