read.cash Log in
@sheena34

Bagong gupit na si bunsuan. Akala ko hindi kami matutuloy sa barber shop. Ang lakas ng ulan ng tanghali. Pagtila ng ulan umalis din kami deretso sa pagupitan. Sabi nong naggugupit ang kapal ng buhok. Mana sa akin, makapal buhok ko. Habang ginupitan, umulan na naman ng malakas. Sabi ng may ari daan lang ung ulan. Tawanan kami kasi ang tagal ng daan ng ulan at sobrang lakas. Mabuti na lang humina at huminto na ang pagdaan ng ulan. Hindi mainit kaya magandang maglakad. Pumunta na kami sa school. Ayaw pa sana pumasok sa room si junakis. Napilit ko din. Nakita at nakilala pa siya ng dating teacher niya. Pumasok na kami sa room ng teacher niya ngayon. Nakalimutan ko siyang kunan ng picture habang nasa loob. Ano ba yan, ayan ang unang pagtuntong niya ulit sa school mula noong nag pandemic. Bakit nakalimutan ko pa haha? Mamaya ko itutuloy ang kwento. Almusal muna ako mga ka squads hehe. Anong almusal niyo diyan? 060222 0903 Pht

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.