Mangga Katapusan na pala ng buwan. Ang bilis talaga ng araw. Sino may bagoong diyan? May mangga ako dito. Puno ng mangga sa mini garden namin. Abot kamay ko lang para pitasin. Babantayan ko muna. Baka may Maritess o kaya Tolits na kumabilang bakod dito sa amin haha, joke lang. Kaso matagal pa yata ito mahinog. Hindi ko mababantayan. Marami naman bunga kaya lang maasim. Tag mangga naman na. Mahal pa ang kilo ng mangga sa palengke. Pero kapag matapos na ang season mura na yan. Isang mapagpalang araw mga ka Mema! 033122 0928 PST nhez43🤍
2 comments
Kami din nhez! Haha, luto kami alamang sa sunod. Gusto mo?
sarap po pitasin..nakakalaway nmn yan mangga ..pa pitas nmn po kahit dalawa